Tuesday, September 20, 2011

Kahapon o Ngayon?



Kakagaling ko pa lang sa break-up. Masakit lalo na kapag ikaw ang nag effort sa relationship na iyon. Pakiramdam mo may isang malaking parte sa buhay mo na nawala. Yung tipong wala ng dahilan para ipagpatuloy pa ang buhay. Bakit ganoon? Lahat ba ng bawal na relasyon may expiry date? Sa tatlong bawal na relasyon ko, lahat sila ang sumusuko. Di ko alam, baka ako ang may problema?

“Shit! Ano ang ginagawa mo dito?!” malakas na sabi ni Darwin.
“Sino yang kasama mo?” pa utal-utal na tanong ko.
“Kung nasasaktan ka at nahihirapan, break na tayo! Tinatapos ko na kung ano ang namamagitan sa ating dalawa!” hawak hawak ang kamay ng kanyang kasama ay umalis si Darwin.
Iyon ang huling pag-uusap namin ni Darwin. Kanina ko pa nakita na sweet sila ng lalaking iyon. Di hamak na mas guwapo naman ako sa kasama niya. Di ko alam kung lalapitan ko ba sila ng mga oras na iyon o aalis na lang ako. Dapat pala umalis na lang ako. Dapat nag bulag-bulagan at nag kunwaring walang nakita. Kung di ko sila pinuntahan baka kami pa hanggang ngayon. Mabilis ko naman siyang mapapatawad.

Asar ang panahon, parang nakikiayon sa pag eemo ko. Habang nasa kwarto ako at nakahiga ay siya namang lakas ng buhos ng ulan. Sumasabay sa pagpatak ng ulan sa bubong namin ang siyang pagpatak ng luha ko.

“Anak, bili ka muna ng 2 sachet ng shampoo sa may kanto. Di pa ako nakakapag-grocey.” Sabi ni nanay habang nakatok sa pinto.
Dali-dali kong pinahid ang luha ko habang palabas ng kwarto. Siguro kung pelikula lang ito hakot ko na ang lahat ng awards. Lumabas ako na parang walang mabigat na dinaramdam. Kinuha ko ang payong at ang pambili at nagtungo sa labas.

Dirediretso akong nagtungo sa tindahan. Dirediretso lang ako sa paglalakad. Dinadaanan at nilalagpasan pati mga taong kakilala ko. Ganito pala ang emo, parang gusto mo ibakod sarili mo sa iba dahil nakakatakot at baka umiyak na lang ako bigla kapag maalala si Darwin.
Pagkatapos ko maabot ang bayad at makuha ang sukli, biglang may isang lalaking bumangga sa akin. Okay lang sana kung bangga lang pero ang masama basa sya at pati ako nabasa na sa ulan. Naramdaman ko ang init ng kanyang hubad na katawan at dali-dali nyang iniabot ang kamay ko para alalayan ako at di matisod. Kung gaano kalaki ang katawan niya ay siya namang lambot ng mga kamay nya. Natauhan na lang ako at namalayan na si Jason pala iyon.

Si Jason, kalaro ko nung bata pa ako. Madaming bata dito sa amin lalo na nung kabataan ko at si Jason ang isa sa mga kalaro ko. Habulin ng mga babae si Jason at madaming pinaluhang babae. Siya pa nga ang nililigawan ng mga ito dahil sa mala-artistahing mukha.

“Sorry, Chris, nabasa ka dahil sa akin.” ang sabi ni Jason.
“Okay lang maliligo na din ako.” sabay na pinakita ang shampoo na hawak ko.
“O, ayun pala eh, Sabay ka na sa amin.” nakangiting sabi niya.

Napaligo ako ng wala sa oras. Pagkatapos maabot ang pinabili ni mama ay kasama ko na naligo ang iba pang barkada ni Jason. Dahil nga siya ang nagyaya sa akin, siya ang halos na kasama ko sa paliligo sa ulan. Ang gandang pagmasdan ni Jason habang basa sa ulan. Maakit ka sa basang katawan niya at basang puting short. Halos hubad na siya at ang nakakatawa pa sobrang lapit nya sa akin na minsan nagkakadikit ang aming katawan. Sa tuwing naghaharutan kami, di sinasadyang dumikit ang katawan ko kahit na sa maseselang parte ng katawan niya. Di lang pala guwapo at macho, malaki din pala ang alaga niya.

Tumila na ang ulan at nagyaya ng magsi-uwian ang mga barkada niya.
“Chris, saamin ka na maligo. Diyan lang naman bahay ko at sa akin ka na din manghiram ng damit” paanyaya ni Jason.

Sabay kaming nagtungo sa bahay niya at sabay kaming nagtungo sa kwarto. Malaki ang bahay. May kaya sa buhay dahil ang kanyang magulang ay nagtratrabaho sa ibang bansa. Ang kasama lang niya sa bahay ay ang tita niya na madalas umuuwi sa Laguna. Dahil Sabado ngayon, mag-isa lang siya sa bahay. Nagtungo na siya sa banyo.

“Sabay na tayo maligo.” Sabi ni Jason.
Dahil basa na din ako at ayaw matuyuan, pumasok na din ako sa banyo. Binuksan niya ang shower at sinumulan ng maligo sa miinit na tubig. Lumapit na din ako sa kanya para sumabay sa pagligo. Nagulat na lang ako ng hubarin niya ang shorts at brief nya at tumambad sa harapan ko ang hubad niyang katawan.

“Naliligo ka ng may damit, Chris?” sabay tawa na sabi ni Jason.
Hinubad ko na din ang shorts ko at magkalapit na ang hubad na katawan namin.
“Pasabon naman ng likod ko, Chris” sabay abot niya ng sabon.

Para akong sunud-sunuran kanya. Hinagod ng mga palad ko ang kanyang likod. Humarap siya na nagaanyaya sa akin na sabunin ko na buo niyang katawan. Nahilod ko na ang lahat ng parte ng katawan niya. Di ko napigilang halikan si Jason sa labi sa mga oras na iyon. Di ko akalain na lalaban din pala siya sa laplapan. Tinapos na namin ang aming paliligo at itinuloy ang romansahan sa kama. Alam ko na kung bakit habulin at madaming pinaiiyak na babae si Jason. Di lang guwapo, ang galling pa mag romansa. Natapos ang maiinit na tagpo, pagod na pagod kaming nakatulog na magkayakap.

Nagising na lang ako sa mga halik niya. Akala ko panaginip lang ang nangyari kanina. Isang masarap na halik ang gumising sa aking upang yayain ako na kumain na ng hapunan. Siya ang nagluto at naghanda ng hapunan namin. Para kaming mag-asawa sa mga tagpong iyon. Natapos na kaming maghapunan at nagpaalam na akong uuwi.

“Ikaw una ko, Chris. Swerte ka sa akin” nakangiting sabi niya.
“Oo na, bukas punta ka ng bahay a. Tayo na ba?” tanong ko.
Hinalikan niya ako. “Kailangan pa bang tanungin yan?”
“O siya-siya mahal, gabi na baka hinahanap na kayo sa inyo” pagpapaalam niya sa akin.

Pagdating sa bahay, di ko inaasahan na madatnan si Darwin.

“Kaninang 1pm ka pa inaantay ng bisita mo. Saan ka ba nanggaling?” tanong ni mama.
“Ma, tumambay lang kina Jason” pagdadahilan ko.

Sabay kami pumasok sa kwarto ni Darwin. Di alam ni mama na BF ko si Darwin. Di ko alam kung nakakahalata na sya pero normal na laging nasa bahay siya.

“Sorry na babe” sabay yakap sa akin. Tumulo ang luha ko habang sinasabi niya ang pag sorry nya.
“Pwede pa ba tayong magkabalikan? Walang hiya si Benj, niloko lang niya ako” lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
“Pwede mo pa ba akong mapatawad?”

Niyakap ko din siya ng mahigpit. Mahigpit para maramdaman niya ang tibok ng puso ko. Sa higpit alam ko na di na kailangan pang sabihin kung ano ang sagot ko sa tanong niya.

“I love you, Chris”…




1 comment:

  1. Lucky Club Casino Site | Lucky Club Live
    Lucky Club online casino review, bonuses, promotions, security and more, 카지노사이트luckclub find out more about Lucky Club Casino, how to play, the best casino and bonuses.

    ReplyDelete